Jollibee & McDo

Minsan nagkausap kami ni Kuya JV hanggang sa dumating sa paksa ng pagmamahal. Sabi niya na malungkot ang totoong magmahal….

JV: …Ganyan lang talaga ang totoong magmahal dundz, malungkot….

(dahil sa ako ay likas namang palabiro, lumilihis yung nasasabi ko….)

Dundee: Si Jollibee siguro di totoong nagmamahal, masaya lagi.

JV: Malungkot din yun sa loob-loob nun….

(Wala na sigurong maisip na masabi si Kuya JV dito.)

(At tuloy pa ako sa pagbibiro)

Dundee: Si McDo kaya?

(Biglang napaisip si Kuya JV at sabay….)

JV: Si McDo malungkot din yun pero ang isang nagpapasaya sa kanya ay dahil may kaakbay siya parati sa upuan niya… Si Jollibee naman di makaupo, laki kasi ng puwet!

Leave a Reply